"aries-blog."
ang susunod kong mamahalin...
ill make sure na kilala tlga ako.. mula ulo gang paa... yung tipong alam nya kung anong klaseng tao ako and alam kong kahit na magtago pa ko sa isang personality alam kong makikilala nya ko..
ang susunod kong mamahalin, yung taong makakakita ng totoo beyond my eyes... yung maiintindihan ang mga bagay na di kayang intindihin ng iba about sa mga gingawa ko... na di lang yung negative side and mkikita kundi magiging equal enough to see ang positive side sa mga ginawa at gagawin ko...
ang susunod kong mamahalin... sisiguraduhin kong sya na ang para sakin... wala ng laro... wala ng taguan... wala ng pagkukunwari...
ang taong susunod kong mamahalin...
cno nga ba ang taong susunod kong mamahalin???
asan nga ba ang taong magtuturo sakin ulit kung pano nga ba magmahal...
asan ka???
asan ka? ANG TAONG SUSUNOD KONG MAMAHALIN?
-wala lang po... gusto ko lang ma-update ang aking blog... at ang nilalaman ng aking kasulatan ay isa lamang ideya na namutawi sa aking isipan habang ako ay abala sa aking mga gawain.-
No comments:
Post a Comment